ESTADO

Mga Biro at Bulay-Bulay (Part 4) 


Kaugnay sa pagdalaw ni Papa Francis sa Amerika, mainam na pagbalikan ang ilan sa mga naganap sa loob ng limang araw na pagdalaw ni Papa Francis sa Pilipinas na ngayon pa lang nababatid. Halimbawa, alam ng lahat na habang nasa Vaticano ay hilig ni Papa Francis na gumala kapag gabi para makita ang tunay na kalagayan ng mahihirap na naninirahan sa siyudad. Isang gabi, matapos makipagpulong kay P-Noy at sa ibang matataas na opisyal sa Malakanyang ay sinabi niyang maglilibot-libot siya sa siyudad. Continue reading

Posted in ESTADO | Leave a comment

Ang Programang Forensic Files


May isang istasyon sa telebisyon na ang ipinapalabas araw-gabi ay ang mga episod ng programang pinamagatang Forensic Files. Siyento-porsiyentong naghahatid-kaalaman sa mga manonood ang bawat episod na nagsasalaysay sa isang naganap na krimen, ang mga naging hakbang ng mga awtoridad sa pamahalaan upang malutas ito Continue reading

Posted in ESTADO | Leave a comment

Mga Biro at Bulay-Bulay, Part 2


Isang anyo ng irasyunal na pag-iisip ang pagiging sobrang conscious pag nasa lugar na may ibang mga tao. Ang pakiwari ay laging may nagmamasid sa iyo. Bawat minuto, bawat segundo, walang patid na nakamasid. Kaya hindi makakilos nang normal. Continue reading

Posted in ESTADO | Leave a comment

Ang Alkemista ni Paulo Coelho at ang Endorso ni Oprah Winfrey


Dahil ika-25 anibersaryo ng pagkakalimbag ng Ang Alkemista ni Paulo Coelho, naglaan si Oprah Winfrey ng isang buong episod ng programa niya. Sinadya ni Oprah si Coelho hanggang sa mismong tahanan nito. Tubong-Rio de Janeiro sa Brazil, nakabase na ngayon si Coelho sa Switzerland. Continue reading

Posted in ESTADO | Leave a comment

Paggunita sa SEATO


Ang di masyadong tahimik na tunggalian sa Kanlurang Karagatan ng Pilipinas o West Philippine Sea (WPS), na ang Tsina ay nagpapakita ng agresibo at unilateral na pagkilos tungo sa pag-angkin at okupasyon sa mga pulo at pulu-puluan dito ay nagbubunsod ng mga re-ebalwasyon sa mga pinaiiral na istratehiya at alyansahan ng mga bansang may interes sa mga teritoryong nasasangkot. Continue reading

Posted in ESTADO | Leave a comment

K-Noy (Kumander Noy)


Sa teorya, ang konsepto ng kumander-in-tsip (KIT) ay sa militar lang dahil ang gera ay realmo ng pulitika. Sa pakikipagdigmaan ay puwedeng magpairal ng judgment call ang KIT. Sa pagpapatupad ng batas, walang poder ang KIT na baguhin ang itinadhana ng batas ayon sa kahatulan ng hudikatura. Kahit ang pangulo ay tagasunod lang sa proseso ng pagpapatupad ng batas, Continue reading

Posted in ESTADO | Leave a comment

Laban ng Siglo


Nasa ikalawang dekada pa lang ang ika-21 siglo para taguriang “Laban ng Siglo” sa boksing ang paghaharap sa ring ng ating pambansang kamao na kilala sa buong mundo sa tawag na Pacman at kampeon na wala pang talo na si Floyd Mayweather Jr. Continue reading

Posted in ESTADO | Leave a comment

BBL – Batas na Basurahan ang Lagpak?


Ang mga naglipanang misteryo kaugnay ng naganap sa Mamasapano ang dapat unahing pagsikapang maipaliwanag ng pamahalaang Aquino imbis na tumuon sa walang patid na mga propaganda para makapangumbinsi sa kahalagahan diumano ng pagpasa ng Bangsamoro Basic Law o BBL para sa kapayapaan at pag-asenso ng Mindanaw.
Nagmamasid ang Taumbayan Continue reading

Posted in ESTADO | Leave a comment

Mula Bomba Hanggang Hip-Hop


Sa loob ng tatlong siglo, kambal na bayan ang Pilipinas at Mexico dahil pinamunuan ng Espanya ang una sa pamamagitan ng huli. Pagkatapos ng Mexico, masasabing ang sumunod na Hispanik na bansang hermana ng Pilipinas ang Puerto Rico. Continue reading

Posted in ESTADO | Leave a comment

Pagbati sa Inyu-Yir


May panslayn (punchline) na nauso noong araw. Babatiin ang may kaarawan sa pagsasabi rito ng happy birthday sabay dugtong na “happy na, birthday pa”. Sa pagpapalit ng taon, puwedeng sabihin kasabay ng pagbating happy new year na “happy na, new year pa”. Continue reading

Posted in ESTADO | Leave a comment